Napakaganda ng aral na isinalaysay sa kwento ng Mensahe ng butil ng kape, sinabe dito na hindi nating kailangang maging carrot o itlog na sa una lamang malakas ang loob at kapag andiyan na ang problema ay panghihinaan ng loob o kaya ay tatakbuhan na lamang, ang problema ay hindi dapat tinatakasan, hindi nagiging dahilan ng pagmamatigas at hindi dahilan upang magmaktol, bagkus ay dapat tayong maging tulad ng butil ng kape na nilaga sa tubig na pagkatapos ay magbibigay ito ng lasa, kung sa buhay ,dapat tayong maging simula ng pagbibigay ng pagbabago sa ating pamilya o kahit saang aspeto pa iyan,lagi nating tandaan na ang problema ay hindi upang tayoy pahirapan, bagkus ay upang tayo ay turuan na maging matatag.
Mensahe ng butil ng kape
Martes, Nobyembre 15, 2016
Mensahe ng butil ng kapeh (buod)
May isang mag ama, na ang kinabubuhay lamang ay pagsasaka, sa pagbubungkal ng lupa ng ama ay narinig niya ang kanyang anak na nagmamaktol, sinasabing bakit sila nagdudusa sa kahirapan, bakit sila nandoon sa sitwasyon ng kahirapan, hanggang sa naghanda ng tatlong palayok, at inilagay ang karot sa unang palayok, itlog naman sa ikalawa at butil ng kape sa pangatlo, at pinapunta nya ang kanyang anak sa kusina at hinintay na malaga ang tatlong bagay sa palayok. Pinakita niya na ang karot ay lumambot mula sa pagkakalaga, sinabi ng ama na "ikaw bay magiging kagaya ng karot na ito? Na sa una lang matigas,ngunit pag nandiyan na ang problema ay lalambot ka na lamang at susuko?" At pinakita naman niyang sunod ang itlog na nilaga, hinati ito sa gitna at nakita na ang likido ay naging matigas at sinabi ng ama " ikaw bay kagaya dn itlog ,na sa una lang may mabuting puso ngunit pag sumapit na ang problema ay magiging matigas dn ang puso? Huli niyang pinakita ang butil ng kape na natunaw at sinabing " ikaw ba ay magiging kagaya ng butil ng kape na nagbigay ng bagong lasa sa tibig? Na kapag nagkaproblema ay hindi susuko bagkus ay magiging simula ng pagbabago
At ngumiti ang bata at naisip ang nasabi ng kanyang ama at pinili ng bata na maging isang butil na siya ng kape .
At ngumiti ang bata at naisip ang nasabi ng kanyang ama at pinili ng bata na maging isang butil na siya ng kape .
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)