Martes, Nobyembre 15, 2016

Mensahe ng butil ng kape (repleksyon)

Napakaganda ng aral na isinalaysay sa kwento ng Mensahe ng butil ng kape, sinabe dito na hindi nating kailangang maging carrot o itlog na sa una lamang malakas ang loob at kapag andiyan na ang problema ay panghihinaan ng loob o kaya ay tatakbuhan na lamang, ang problema ay hindi dapat tinatakasan, hindi nagiging dahilan ng pagmamatigas at hindi dahilan upang magmaktol, bagkus ay dapat tayong maging tulad ng butil ng kape na nilaga sa tubig na pagkatapos ay magbibigay ito ng lasa, kung sa buhay ,dapat tayong maging simula ng pagbibigay ng pagbabago sa ating pamilya o kahit saang aspeto pa iyan,lagi nating tandaan na ang problema ay hindi upang tayoy pahirapan, bagkus ay upang tayo ay turuan na maging matatag.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento